Smoking ban ng MMDA sinupalpal ng Mandaluyong RTC

GANAP nang ipinatitigil ng Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ipinatutupad nitong smoking ban sa mga pampublikong lugar kabilang na ang kahabaan ng Edsa, mga lansangan at sidewalk.

Sa anim-na-pahinang desisyon ni Judge Carlos Valenzuela, sinabi nitong labag sa batas ang No Smoking Policy ng MMDA.

Inilabas ng korte ang temporary restraining order (TRO) matapos maghain ng reklamo sina Antony Clemente at Vrianne Lamson na nahuli ng MMDA na naninigarilyo sa Edsa.

Iginiit ng dalawa na mismong ang Korte Suprema na ang nagsabing walang police power ang MMDA dahil ito’y isang development agency lang.

Wala rin anilang legislative authority ang MMDA para palawakin ang ibig sabihin ng pampublikong lugar batay na rin sa Republic Act (RA) 9211 o Tobacco Regulations Act.

Sinang-ayunan naman ni Judge Valenzuela ang katwiran ng dalawa at sinabing nakasaad sa RA 7924 o ang batas na bumuo sa MMDA na walang police o legislative power ang ahensya.

Wala rin aniyang kapangyarihan ang MMDA na ipatupad ang RA 9211 dahil eksklusibong karapatan lamang ito ng Inter-Agency Committee Tobacco na pinamumunuan ng Department of Trade and Industry (DTI).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply