So gagantihan si Liren

UMARANGKADA na ang mga magagaling na woodpushers sa buong mundo sa pagbubukas ng 2011 World Cup na ginaganap ngayon sa Ugorian Chess Academy sa Khanty-Mansiysk, Russia.

Pambato ng Pilipinas sina super GM Wesley So at GM Mark Paragua kung saan ay tiyak na parehong dadaan sa butas ng karayom bago makapasok sa susunod na stage ng nasabing prestihiyosong event.

Makakalaban ni four-time National Championship “Battle of the Grandmaster” ruler So, (elo 2658) si Ding Liren, (elo 2654) ng China kung saan ay natalo ang una sa huli noong 2004 ng maglaban sila sa World chess Under 12.

Habang si 1998 Disney World Rapid Chess Championship for Kidsking, Paragua ay makakaharap si No. 21 seed Michael Adams ng England.

Ayon kay Asia’s first grandmaster Eugene Torre kahit matitinik ang mga kalaban nina So at Paragua ay malaki ang tsansa nilang makapasok dahil maganda ang kanilang naging preparasyon sa event.

“Pinaghandaan namin ito mula sa openings at gagamiting panlaban kapag sila ay tutulak ng itim na piyesa.” saad ni Torre.

Kumpiyansa naman si So na makalulusot siya kay Liren.

“I’ll do my best in the World Cup. I’m confident to bring more honors to our country.” ani So na ang pakay din ay lampasan ang kanyang round-of-16 finish noong 2009 World Cup.

Ang mga sinibak ni So noong 2009 WC ay sina GM Gadir Gusienov ng Azerbaijan, 3-1, sa first round, former world championship candidates GM Vassily Ivanchuk ng Ukraine, 1.5-.5 sa second round at GM Gata Kamsky, 1.5-.5, ng United States sa third round.

Samantala, noong 2005 World Cup na-upset ni Paragua si GM Sergei Movsesian ng Armenia sa first round bago yumuko kay GM Alexey Dreev ng Russia sa second round via tie-break.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply