Sobrang lamya ni Enchong para kay Erich

TILA may katotohanan ang obserbasyon ng ilang reporters tungkol sa mabagal na pagsulong ng career nina Carla Abellana at Erich Gonzales.

Contention ng ilang nakausap namin, si Carla ay di umasenso even if nabibigyan siya ng mga roles sa pelikula at sa mga teleserye ng GMA 7.

Ni hindi raw nakatulong sa kanya yung Thalia remake ng “Rosalinda.” Kumbaga, hindi naman nangyari yung inaasahang lalaki siyang artista gaya ng mga naunang Thalia clone na si Marian Rivera.

As we can see, tumaas ang career ni Marian Rivera na umabot sa puntong halos naging demonyita na dahil nga sa ulo niya inilagay ang kasikatan niya.

Carla remained the starlet that she was hanggang ngayon kaya siguro, nagpa-sexy na siya nang todo sa movie niya ngayon.

It is said kasi that Carla Abellana has no other recourse, than to reinvent herself at gumanap sa mga daring roles gaya ng ginawa niya ngayon sa “My Neighbor’s Wife.” Super daring daw ang mga eksena niyang sex kina Dennis Trillo at Jake Cuenca. And siguro raw na-realize ni Carla na wala naming mangyayari sa sobrang pagpapa-sweet lang niya. “Tingnan naman natin kung saan siya dadalhin ng pakikipagromansa niya sa mga maseselang eksena ng mga pelikulang ginawa niya sa ngayon.”

“If after, she showed everything, wala pa ring mangyayari sa career niya, it better that Carla Abelana think of her options. Puwede na siyang mamili ng ibang career niya ngayon at lisanin na ang pagiging starlet sa local showbiz.

Tanggapin na niyang hanggang stalert lang siya gaya ng mga parents niya.

Di ba, hanggang ngayong character actor na lang tatay niyang si Rey Abellana, starlet pa rin ito. (In fairness, there was a time during the mid-80s when Rey Abellana became a veriable star -Ed) At ang nanay niya, hindi rin naman umusbong ang career na tila may image na forever starlet lang.

More or less, ganito rin daw ang kinahinatnan ni Erich Gonzales na patay na patay ang dating sa kanyang “Maria La Del Barrio.” Walang magic na nagawa ang role ni Thalia for her to gain star status. As it is, starlet pa rin siya’t hindi pa rin umaangat ang career. “Sukat ba naming bigyan ng leading man na mas makapal pa’ng make up sa kanya,” anang isang matabil na reporter na nakatalamitam namin. The scibe is referring to Enchong Dee na very girlish daw ang mga manner at dating kaya nakaka-off sa big screen.

So there!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply