Solar energy pagkukunan ng kuryente

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng singil sa enerhiya, seryosong ikinukonsidera ng bayan ng San Jose Occidental, Mindoro ang paggamit ng renewable source of energy para sa pangangailangan nito sa kuryente.

Nakipagpulong si Mayor Jose T. Villarosa sa mga kinatawan ng TAIWIN Technology Corporation sa pangunguna ng vice general manager  na si Linden Chen at ipinakita nito sa alkalde ang kanilang Solar Photovoltaic Power Generation System.

Sa ilalim ng naturang sistema, gagamitin ang init ng araw o solar energy upang makapagbigay ng kuryente sa bayan.

Nagiging palagiang problema ng bayan ang pagkawala ng kuryente na nanggagaling sa National Power Corporation (NAPOCOR) bunsod ng pagkakautang ng naturang ahensya sa mga suppliers nito ng krudo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply