Solenn Huesaff, mahilig sa mga kalbong lalaki

TYPE pala ni Solenn Huesaff ang mga lalaking kalbo. Kaya ang lahat ng nakakarelas- yon niyang guy ay nagpapakalbo. Di ba si Derek Ramsey kalbo rin, ang ex-bf noon ni Solenn?

Ani Solenn: “Iba dating sa akin ng lalaking kalbo, lalaking-lalaki ang tingin ko. Kaya type ko ang kalbo. “Pero ang lalaking suitor niya ngayon na single dating ni Solenn ay hindi kalbo.

Ipinagtapat ni Solenn ito sa promo tour niya ng kanyang first album under Universal Records, ang self-titled album (Solenn) na may idinidate siyang non showbiz suitor ngayon.

Blue eyes ang binata at isang banyaga.

Ani Solenn: “Bago pa lang kaming nagdi-date sa ngayon. Malay mo pagtagal-tagal pag kilala na niya ako nang husto ay magpakalbo rin siya. Alam ko gusto ko na ngayong lalaki na matalino. Dati ayaw ko. Gusto ko ako masusunod. Gusto ko naman ay nagdi-depend na ako sa kanila ngayon.”

Sa album ni Solenn, may siyam na cuts. Lahat ay revival songs. Pero ang kanyang ikinatatangi sa lahat ay ang Fire na dating pinasikat ni Bruce Springsteen. Bale Fire ang carrier single niya. Kasama rin sa album ang All I Wanna Do, Chemistry, Ladies Night, Selfish, Kiss,  It’s Our First Timje, Sunshinw at Torn.

Bale exclusively dating na sila ngayon ng binata, na isang businessman. Di nagkaka- hulihan ng age sina Solen at ang kanyang suitor. 27 years old ang binata at siya’y 26.

Bale love at first sight ang dalawa. Nagdate sila ng friendly date, tapos nagkaka- intindihana na sila.

May concert si Solen sa Teatrino, greenhils on Aug 19 and 26. May pamagat itong So- lenn on stage! Guest performer niya rito si Ogie Alcasid at Erwan Heusaff.

Sa ticket sales, tumawag sa 8919999 at 7210635.

***

UMALIS na kahapon nang hapon si Melanie Marquez papuntang Utah, USA. Bale doon na muna naka-base ang dating Miss International at international model. Gusto kasi ng asawa niyang si Adam Lawyer na doon na muna sila manirahan sa America para asikasu- hin ang kanilang rancho.

Ani Melanie: “May 500 na baka na kami sa farm na for fattening. Tapos, ibinibenta na namin iyon pag nasa hustong edad na. May 1,300 goat din kami para palakihin din.

“Ako mismo ang nagsu-supervise ng pagpapalaki ng mga hayop.
Nag-a-attend ako ng seminar para sa tamang pag-aalaga ng hayop. Bukod pa sa natutunan ko rin sa farm ang lahat ng trabaho.”

Dinala lahat na ni Melanie ang kanyang anak sa US. Doon na nag-aaral lahat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply