Solons na sangkot sa PCSO scam inabswelto

INABSWELTO na ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman Margie Juico ang mga kongresistang nakaladkad sa mga anomalya sa naturang ahensya, partikular ang mga nakatanggap diumano ng share mula sa operasyon ng small town lottery o STL.

Sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng House Committee on Games and Amusement, nilinaw ni Juico na walang masama sa pagtanggap ng mga mambabatas ng share mula sa STL, na pinapatakbo ng  PCSO.

Paliwanag ni Juico na matagal na umano itong umiiral, bilang bahagi ng programa ng PCSO at in-accurate o mali umano ang lumabas na impormasyon sa media at sa katunayan ay hindi umano nanggaling sa kanila ang listahan.

Ani Juico na ipapapatuloy pa rin ng ahensya  ang pamamahagi ng mga ambulansya sa mga lokal na pamahalaan gayundin ang pagbibigay tulong sa mga pulitiko mula sa kinita ng STL dahil matagal na umano itong programa ng PCSO na layong magbigay tulong at bukas umano ito sa lahat ng Local Government Units (LGUs), religious sectors at iba pang ahensiya.

Bukod dito, matagal na rin umanong gumagana ang kanilang programa sa pang kalusugan, pangkabuhayan at edukasyon gayundin sa kabila ng mga batikos na mga batikos na natatanggap ng PCSO ay magpapatuloy at lalawak pa ang mga programa sa kanilang institusyon .

Samantala, sa pag-arangkada ng house inquiry ukol sa mga kontrobersiya sa PCSO ay dumalo sina dating chairman Manuel “Manoling” Morato, dating PCSO General Manager Rose Uriarte at mga kinatawan mula sa Catholic Bishops Conference of the PHilippines (CBCP).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply