Sonsona sasampa na sa ring

MULING sasampa ng ring si dating world champion Marvin Sonsona para harapin si Mexican Leopoldo Gonzales sa September 24.

Ang bakbakan na magaganap sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City, Cebu ay isang ten round non-title bout.

Si Sonsona (14W-1L-1D, 12 KO’s) ay hindi nakalaban simula noong February 27, 2010 nang gabain si Wilfredo Vasquez, Jr. sa four rounds ng WBO superbantamweight bout nila kung saan nabigo siyang maitanghal na pinakabatang two division champion sa Philippine boxing history.

Nanalo si Sonsona ng kampeonato noong 2009 (WBO superflyweight title) at naitala siya bilang second youngest Filipino world boxing titlist kasunod ni Morris East.

Marami naman ang duda kung bakit lumayo pansamantala sa ring si Sonsona ngunit sinabi ng promoter ng boksingero na kaya ito nawala saglit sa sirkulasyon ay dahil tutok ito sa pagsasanay.

Si Gonzales (8W-2L-1D, 4 KO’s) naman ay nakatabla sa laban noong Mayo si Roberto Castaneda.

Kasabay ng card, tampok din ang Rey ‘Malone’ Labao (20W-3L, 13 KO’s) vs Payak Patanakan Gym (20W-9L, 5 KO’s) para sa WBO Asia-Pacific belt; Johnriel Casimero vs TI Yamagata Sentillas at Ramie Laput (41W-4L-1D, 19 KO’s) vs Ariel Delgado (19W-7L-3D, 8 KO’s).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply