Special collections isasagawa para sa biktima ng bagyo

MAGSASAGAWA ng special collections ang Archdiocese of Manila para sa mga biktima ng bagyong nanalanta sa bansa kamakailan.

Kaugnay nito, hinimok ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang mga Katoliko na tulungan ang mga taong sinalanta ng bago, partikular na ang mga mula sa Bicol region.

Ayon sa Cardinal, ang special collection ay isasagawa sa lahat ng banal na misa sa Linggo sa mga parokya, chapel at mga mall, para sa mga biktima ni bagyong Juaning.

“Nakita natin ang pinsala sa mga tao, mga bata, matatanda na nagugutom.
Umaapela ako sa lahat na bukod sa panalangin ay tulungan natin ang mga kapatid na pilit bumabangon sa hagupit ng bagyo,” aniya.

“Sa darating na Linggo ay mag-ipon-ipon tayo sa mga simbahan at ating ipaabot sa kanila ang ating mga munting tulong,” ayon kay Rosales.

Nabatid na magpapadala na rin ang Caritas Manila, na siyang social action arm ng Manila Archdiocese ng inisyal na P200,000 sa Diocese ng Legazpi para sa relief operations nito sa Albay.

Bukod dito, sinabi ni Caritas Manila executive director Fr. Anton Pascual na magpapadala rin sila ng tulong pinansiyal sa social action center ng Archdiocese of Nueva Caceres sa Camarines Sur.

Una nang umapela si Fr. Ramoncito Segubienze, Social Action director ng Legazpi Diocese, para sa emergency aid sa Albay kung saan libu-libong tao ang inilikas dahil sa bagyo at pagbaha.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply