Special fund ihihirit para sa dengue outbreak

HUMIRIT na ng “special fund” ang isang grupo ng volunteer workers sa gobyerno  para labanan ang tumataas na bilang nga mga kaso ng dengue sa bansa.

Ayon kay Dr. Eleonor Jara, ng Council for Health and Development (CHD), dapat maglaan ng dagdag na pondo ang Department of Health  (DOH), para sa paglaban sa dengue at

huwag lang itong iasa sa mga lokal na pamahalaan.

Ang paglalaan umano ng karagdagang pondo ay para matugunan ang kakulangan sa pangangailangan ngayon sa gamot at pasilidad sa mga pagamutan kung saan siksikan pa rin ang mga pasyente dahil sa patuloy na pagdagsa ng biktima ng dengue.

Sa pinakahuling talaan ng DOH, nasa 45,333 ang bilang ng naitalang kaso ng dengue sa bansa.

Naglagay na rin ang ilang ospital na dengue outbreak ng “express lane” para mabilis ang proseso sa pagtanggap  at paggagamot ng dengue patients.

Nanawagan din ang DOH sa mga Local Government Units (LGU) na mamahagi ng mga mosquito traps at magsagawa ng clean up drive upang masira ang mga posibleng pamugaran ng mga lamok lalo na ang may dalang dengue virus.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply