Special lanes sa trucks, trikes isusulong sa QC

ISUSULONG ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang paglikha ng “special designated lanes” para sa mga truck at tricycle upang maisaayos ang daloy ng trapiko sa lungsod at maibsan ang epekto ng polusyon sa hangin dulot ng usok mula sa mga naturang sasakyan.

Bunga nito, nanawagan si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa konseho at sa Department of Public Order and Safety (DPOS) ng lungsod na pag-aralan ang naturang hakbang, na ikinokonsedera niyang tulay upang maging green at healthy community ang siyudad.

“Economic growth and urban development represent our collective ideals.  But let us set and strictly implement the parameters that will allow urbanization to prosper without compromising our environmental quality,” pahayag ni Bautista.

Tulad aniya ng mga tricycle, hindi ito maaaring gumamit ng mga pangunahing lansangan tulad ng Mindanao at Commonwealth Avenues.

Kailangan umanong may alternatibong ruta upang hindi makipagsiksikan ang mga truck at tricycle sa ibang sasakyan.

Bukod sa paglikha ng special lanes, pabor din si Bautista na payagan ang paggamit ng mga renewable energy at green technologies para sa transport sector sa lungsod upang maibsan ang polusyon dito. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply