Special prosecution bubuuin vs big drugs syndicate

UMARANGKADA na sa Kamara ang panukalang batas para sa pagbuo ng special prosecuting office na hahabol sa drug lords at big time drug traffickers, kabilang na ang masasangkot na opisyal ng gobyerno sa illegal na droga.

Sinabi ni Iligan City Rep. Vicente Belmonte Jr., Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs na sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng Office of the Special Prosecutor on Dangerous Drugs (OSPDD) na ang tanging trabaho ay hawakan ang mga kaso na may kaugnayan sa droga.

Sasakupin din ng OSPDD ang sinumang government prosecutors, hukom at miyembro ng hudikadura, mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang law enforcement agencies na masasangkot sa droga.

Ayon kay Parañaque Rep. Roilo Golez, may-akda ng panukala na ang pagbuo ng special prosecutor for dangerous drugs ay direktang tugon sa mabilis na pagresolba ng kaso ukol sa illegal drugs.

Ipinaliwanag pa ng mambabatas na ang isang level one drug operator ay kumikita ng P200 million kada buwan o P2.4 billion kada taon.

Magiging tungkulin din ng OSPDD ang maghawak ng kaso laban sa lahat ng drug lords at big-time traffickers at ilang mataas na opisyal ng gobyerno.

Sa ilalim ng panukala, ang OSPDD ay may kapangyarihan para mag-imbestiga, magsampa ng kaso sa korte laban sa sinuman na sangkot droga.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply