SSS nagpatupad ng bagong guidelines sa business, social loans

NAGPATUPAD ng bagong guidelines ang Social Security System (SSS) para higit na mapalawak ang access sa business at social loans ng mga miyembro sa buong bansa.

Sa ilalim nito, binawasan ng ahensiya ang interest rates at pinagaan ang  lending requirements upang mas maraming kumpanya ang makakuha ng social at business loans sa ahensiya.

“The revised guidelines allow monthly adjustments of interest rates based on prevailing market rates.Our lending programs now offer their lowest rates since the launch of our first corporate loan facility in 1988,”pahayag ni SSS President at Chief Executive Officer Emilio de Quiros.

Anya ang interest rate sa pautang ay nananatiling naka-fix para sa isang taon at maaaring mabago batay sa prevailing interest rate sa market rates.

Ang ahensiya ay nagkakaloob ng pautang sa pamamagitan ng participating financial institutions sa loob ng 15 taon na dati ay may 10 taon lamang na maximum term na naipagkakaloob ng mga pribadong bangko at investment houses.

Ang mga kumpanyang updated ang pagreremit ng contributions atloan amortization ng mga empleado ang maaaring masaklaw nito.

“To support the local economy, we also opened our loan programs to the extractive industry such as mining, dredging, oil and gas exploration,” ayon kay De Quiros.

Pero ang mga uutang na nais magmina ng minerals, oil at gas ay kailangan munang kumuha ng  environmental compliance certificate mula sa DENR at iba pang concerned agencies

Kasama rin sa mga eligible borrowers ang mga nagsisimula o kasalukuyan ng may negosyo sa agri-business, food processing, manufacturing, services, commercial production, real estate development, utilities, transportation at communication.

Ang mga interesado ay maaaring tumawag sa SSS Corporate Bonds and Loans Department sa 920-6401 local 5113 at 5115 o mag email sa urbanogm@sss.gov.ph at carandangao@sss.gov.ph

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply