Stags kukunin ang 6th win sa Generals

PAKAY ng San Sebastian College Stags na pantayan ang 6-0 win-loss slate ng San Beda College Red Lions sa pakikipagsagupaan nila bukas ng hapon kontra Emilio Aguinaldo College Generals sa nagaganap na season 87 ng NCAA seniors men’s basketball tournament sa Fil-Oil Flying V sa the Arena San Juan City.

Naitarak ng Stags ang kanilang pang-limang panalo matapos nilang talunin ang guest team Lyceum of the Philippines Pirates, 82-57 habang galing sa talo ang Generals ng daigin sila ng defending champions Red Lions, 62-103.

Sasandalan ng Stags ang kanilang pambato na si Calvin Abueva na natalo sa datingan kay Garvo Lanete para sa weekly citation na Player of the Week.

Sa panig ng EAC na may 2-3 slate, pipilitin nina Jan Jamon Claude Cubo at Russell Yaya na magtulong-tulong sa opensa upang masilat nila ang Stags at mapaganda ang kanilang team standing.

Maghaharap ang Stags at Generals sa ganap na 2 ng hapon habang ang main game ay College of Saint Benilde Blazers at Jose Rizal University Heavy Bombers sa ganap na alas 4 PM.

Samantala, tinarak ng Red Lions ang kanilang ika-anim na sunod na panalo noong Lunes matapos nilang biguin ang Letran Knights, 77-62.

Kinapos pa rin ang 20 puntos ni Kevin Alas at 12 pts. ni Raymond Almazan para maipanalo ang Knights na ngayon ay may 4-2 baraha sa third spot.

Kumana si ACCEL-3XVI NCAA Press Corps Player of the Week Garvo Lanete ng 21 puntos habang sina Dave Marcelo at Kyle Pascual ay naghatid ng tig-12 puntos para sa Red Lions.

Sa unang canto ay ipinakita na agad ng Red Lions ang kanilang lakas ng itarak ang 20-10 at talunin ang Knights sa rebounding, 46-40.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply