Star for All Season talaga!: Governor Vilma Santos ‘ageless beauty’

FITTED nga for Batangas City Governor Vilma Santos ang titulong ibinigay sa kanya noong dekada ’80 na Star for All Season. Yes, hindi lang star bilang multi-talented celebrity si Ate Vi kundi sa mundo ng politics ay may napatunayan na rin ito at isa siya sa pinakasikat at nirerespetong lady politician ng bansa.

Sa buong Batangas na nasasakupan ni Ate Vi bilang gobernadora, walang hindi humahanga sa kanya hindi lang sa pagiging sikat nitong artista at taglay nitong ganda kundi sa tapat na serbisyo at pagtulong nito sa mga kababayang nangangailangan. Pero, ano ba talaga ang kanyang pinakasekreto at hanggang ngayon ay ageless beauty pa rin siya? Samantalang kahit kailan ay wala tayong balita na dumaan siya sa anumang retoke?

‘Yung mga kasabayan ni Ate Vi kung hindi nagsisipagtabaan, mga Lola na ang arrive!

Well, unang-una, self-discipline ang secret ni Gov. Vi. Alam nito kung papaano niya i-handle nang tama ang kanyang time para sa kanyang pagiging public servant at housewife sa kanyang mag-aamang Senator Ralph Recto, Luis Manzano at Ryan Christian at siyempre, kasama na riyan ang pagkakaroon niya ng good sleep.

Pagdating naman sa magandang PR, agree na ako kay Pete, malayung-malayo nga si Ate Vi kay Nora Aunor. Kasi nga, kahit na hindi naman kami super close nang tawagin namin ang name nito ng aksidente namin siyang makita kamakailan lang ni Pete sa resto sa ELJ Building ng ABS-CBN, talagang huminto pa ito para bumeso sa aming dalawa. Galing that time si Ate Vi sa story conference ng drama-horror movie na pagsasamahan nila for the very first time ni Kim Chiu under the direction of Chito Rono na sa second week of September na ang start ng shooting.

Say pa ni Ate Vi, bibihira na siyang gumawa ng movie dahil number one priority nga niya ang kanyang mga consitituents.

So, dapat talagang mamili na siya ng project na gagawin. And for her, ito ang tamang project na dapat niyang gawin kasi hindi lang ito quality dahil gawang Star Cinema kundi maganda ang story nito at bihirang gawin ni Gov. Vilma Santos-Recto na hundred percent ay magugustuhan ng lahat ng kanyang Vilmanian’s.

Isa lang ang aming masasabi, bravo to you Ate Vi, and thank you gyud!

****

Cristine Reyes, kinidnap

PAREHONG may interes kay Agnes De Los Santos (Cristine) sina Catherine Villamayor (Aiko Melendez) at Bise-Gobernador na pinsan ng namayapang husband governor ni Cartherine. Ang hangad at masamang binabalak ni Catherine kay Agnes ay gamitin ito sa kanyang kandidatura kung saan tumatakbo siyang gobernadora sa kanilang Isla. Pero, lingid sa kanyang kaalaman, nagpapanggap lang din naman si Agnes sa pagtulong nito para ikampanya siya Catherine). Ang talagang pakay ng dalaga ay madiskubre ang buong pagkatao niya na unti-unti nang nalalaman nito dahil kay Henry(Rayver Cruz) na nag-iisang kapatid ni Catherine na may pagtatangi sa kanya.

Kaya lang, nasa utak na ni Catherine ang gagawing pagpapahirap kay Agnes para umalis ito sa kanyang mansiyon nang hindi na nito madiskubre na sa kanya pala iniwan lahat ang kayamanan ng nasawing gobernador na asawa nga ni Catherine. At ano na ang mangyayari kay Agnes ngayong ipinakidnap siya ni Vice-Gov Villarama sa mga tauhan nito? Susunod kaya si Agnes sa lahat ng mga ipag-uutos sa kanya ng nasabing pulitiko.

Ikanta na rin kaya niya rito na dating bar dancer sa Ligaya Club dito sa Manila si Cartherine Villamayor? Atat na atat rin kasi ang bise-gobernador na ito na malaman ang lahat ng sikreto sa pagkatao ni Catherine na naging malaking hadlang sa kanya para di makatakbo bilang governor ng Isla.

Samantala, hinahanap ngayon si Agnes ng kanyang tatay Jose (Lito Pimentel) at hindi rin alam ng dalaga na nakatira na ngayon ang kanyang Nanay na si Jacklyn Jose sa kababatang si Monique (RR Enriquez) dahil pinalayas na sila ng kanyang tiyahin na si Mendy(Deborah Sun). Marami kayong dapat malaman sa pinag-uusapang panghapong teleserye na ito kaya’t huwag lumiban sa panonood nito tuwing Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Gold.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply