Stop oil price hikes

IT ay isang panawagan na malabong pagbigyan ng gobyerno, ang pagbasura ng batas sa oil deregulation.

Malabo dahil sa bawat sentimo at pisong itinataas ng presyo ng gasolina ay may kaakibat na dagdag kita ang gobyerno sa expanded value added tax (EVAT) na umaabot sa bilyon-bilyong pera.

Natural lang na magsaya ang pamahalaan ni President Aquino III sa bawat taas ng presyo ng gasolina dahil sa EVAT dahil ito ang ginagamit ng gobyerno para sa gastusin nito.

Dito rin sa EVAT na ito nanggagaling ang bilyon-bilyong mga commission at tongpats ng mga tiwaling opisyal ng ating pamahalaan.

Madali namang pigilin ang oil deregulation at ganoon ding kadali ang pagpigil sa EVAT ngunit ayaw itong gawin ng mga mambabatas. Malaki ang corruption sa oil industry at malaki rin ang kaltas nila sa EVAT na siyang tumutustos sa kanilang pork barrel.

Nag-umpisa ang oil deregulation noong panahon ni Fidel Ramos na agad sinang-ayunan ng mga mambabatas. Noong umpisa, sinabi ng Korte Suprema na ang oil deregulation ay labag sa Constitution natin subalit kinalaunan ay pumayag na rin ang Supreme Court.

Dumating ang panahon ni Erap Estrada at ni Gloria Macapagal Arroyo, at nagpalipat-lipat na ang liderato ng Kongreso subalit nanatili ang oil deregulation at ng EVAT.

Ang sabi noon ni Ramos at kanyang mga kakampi sa kamara, ang oil deregulation daw ang magpapababa ng presyo ng gasolina natin. Dahil daw sa oil deregulation, darami ang mga kompanya ng langis sa Pilipinas at ang competition ay magiging maigting.

Ano ang nangyari? Sa halip na magmura ang presyo ng langis ay marami ang nagmura. Naloko na naman ang bayan.

Tayo ngayon ay nasa tuwid na daan na, sabi ni Ginoong Aquino III. Isa na naman
ba uling panloloko ito ng pamahalaan?

Nasaan ang tuwid na daan? Matuwid ba na lalong pahirapan ang bayan at isadlak ito sa wala nang katapusang pagtaas ng gasolina, ng mga presyo ng mga paninda at katakot-takot na nakawan sa ating bansa?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply