Storm signal No 2 nakataas sa Isabela, Cagayan

NAKATAAS na ang storm signal No. 2 sa Isabela, Cagayan at Northern Aurora dahil sa patuloy na paglakas ng typhoon Mina.

Sa ipinalabas na weather advisory kanina ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 260 kilometers sa silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay ng bagyong Mina ang lakas ng hangin na umaabot ng 140 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot ng 170 kph.

Samantala, nakataas naman ang storm signal No. 1 sa ilang bahagi ng Aurora, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Mt. Province, Kalinga, Apayao, Calayan at Babuyan Group of Island at Batanes.

Dahil sa paglakas ng bagyo, lalo pa nitong pinaiibayo ang epekto ng habagat na siyang nagdudulot ng pag-ulan sa mga apektadong lalawigan, kasama na ang Metro Manila, Southern Luzon at Visayas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply