Story conference ng ‘Sa Ngalan ng Ina’ nina Nora, Christopher sa Aug. 6 na

TULOY na talaga ang pagsisimula ng kauna-unahang soap ng Superstar na si Nora Aunor sa pagbabalik-Pilipinas niya, ang “Sa Ngalan ng Ina” sa TV 5. Sa August 16 na ang story conference ng  soap na pawang malalaking artista ang makakasama ng aktres. Aba, bukod kay Bembol Roco, na magiging unang asawa ni Ate Guy, kasama pa rin ang kanyang dating asawang si Christopher de Leon.

Pangunahing kontrabida sa soap ay si Rosanna Roces. Samantalang lalabas din na semi-kontrabida rito ay si Nadine Samonte bilang kanyang stepdaughter.

Ipalalabas agad ang soap dahil magiging kapalit ito ng “The Sisters” ni Nadine na tatagal lang talaga ng walong linggo sa ere. Kaya naman laking tuwa ni Nadine na pagkatapos ng kanyang first big solo role sa primetime ay makakasama niya ang Superstar sa mga mahahalagang eksena.

Samantala, rain or shine ay tuluy-tuloy ang shooting ni Ate Guy ng El Presidente na leading lady siya ni Gov. ER Ejercito ng Laguna. Talagang ipinakita ng Superstar na sa set na pinanabikan niya ang pagharap muli sa camera para sa isang obra na idinirek ng award-winning director na si Tikoy Aguiluz.

Si Direk Tikoy ang saludo sa kagalingan ng Superstar. Nasabi niya sa interview namin sa kanya recently na pumayag na si Ate Guy na igawa niya ng documentary hinggil sa buhay at career nito. Noon pa balak ni Tikoy na gawan ng autobiographical documentary ang veteran actress. Kaya lang wala siyang tsansang makausap nang husto sa project si Nora.

Pagkatapos ng El Presidente, gagawan na ni Direk Tikoy ng script ang gagawing documentary at kukuha na siya ng funding sa kanyang mga financier.

Ani Direk Tikoy: “Madali na ngayong gumawa ng documentary dahil sa availability ng technology. Bukod pa talagang si Nora Aunor lang ang gusto kong igawa ng ganitong project dahil naiiba para sa akin ang kanyang buhay. Nag-iisang superstar na hinahangaan ng milyon-milyon. Tapos, ang buhay niya hanggang ngayon ay struggling gaya ng pagsisikap niya nang siya’y bata pa na sinikap na magtinda ng tubig sa tren para may pagkakitaan. Bukod pa si Guy ay sadyang matulungin sa tao. Ehemplo ang kabaitan niya sa mga artista natin.”

oOo

FIRST time na napaiyak si Bea Binene sa national television sa programang “Star Talk” nung Saturday. Kasi, touch ang damdamin niya nang husto kapag pinag-uusapan ang kanyang ama. Bale, conservative ang ama niya. Kung masusunod ang butihing father ni Bea, gusto niyang pag-aaral lang ang gagawin ng anak habang nasa teenage period.

Hindi kasi ordinaryong anak si Bea. Punong-puno ng talents. Hindi lang gifted sa sports. Nagkaka-medal na siya sa championship competition sa wushu. Ngayon naman ay kinakitaan na siya ng galing sa pag-sipa ng bola sa larong football. Nakita ang talent na ito ni Bea sa movie na Tween Academy Class of 2012, kung saan makakasabay niya sa training ng football ang sikat na Azkals team ng Pilipinas.

Eh, malaking pasasalamat ni Bea na pinayagan na siya ng ama na mag-artista. Kaya ganun na lang ang pag-aalaga niya sa kanyang career at image bilang ulirang anak sa kanyang ama’t ina.

Hanggang ngayon ay patuloy na nag-aaral si Bea. Kaya lang home study program siya ngayon. Hindi rin niya nakakalimutang magtraining sa wushu na paborito niyang sports.

Hindi lang kasi isa, kundi apat na ang programa ni Bea sa GMA 7, may bagong soap siyang “Pahiram ng Isang Ina.” Title role na siya rito, bukod pa sa kasama niyang bida sa soap ang mga veteran stars na sina Carmina Villaroel, Maxene Magalona at Marco Alcaraz. Ka-love team ni Bea ang kanyang leading man na si Jake Vargas. Nagsimula na kahapon ang “Pahiram ng Isang Ina” na idinirek ni Joel Lamangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply