Street crime bantayan hindi tong collection

ILANG araw na lang at papasok na ang “ber month” at asahan nang sunod-sunod na naman ang reklamo ng hold-up at snatching lalo na sa mga matataong lugar na katulad ng Divisoria at Quiapo sa Maynila.

Sana lang  ngayong ber month na ay pagtuunan rin ng pansin ng ating mga kapulisan sa Maynila ang mga maliliit na krimen hindi yung puro tong collection na lang at  huli dito huli doon sa mga kawawang vendor.

Alam naman nating ang mga vendor sa Divisoria at Quiapo ang ginagawang palabigasan ng ating mga kapulisan diyan sa  Maynila at ng ilang tiwaling opisyal ng Manila City Hall.

Sa Quiapo ay talamak ang kaso ng snatching at ang supot boys kung saan ay mga bata mula 3 taon hanggang 15 taong gulang ang mag-aalok ng plastic bag sa isang tao habang ang kasama naman nito ang siyang dudukot sa wallet o pera ng taong pinag-alukan ng plastic bag.

Alam ng mga pulis diyan sa Plaza Miranda PCP ang modus operandi ng mga batang ito ngunit nagbubulag-bulagan lang dahil mas inuuna pa ang tong collection kaysa pangalagaan ang mga taong nagsisimba sa Poong  Nazareno.

Matagumpay na nairaos kagabi ng Quezon City Police District Press Corps (QCPDPC) ang induction ng mga bagong opisyal ng nasabing samahan sa Shangrila West sa Quezon City.

Dumating sa nasabing okasyon sina Quezon City Police District Director George Regis at ilang station commander niya, National Press Club (NPC) President Jerry Yap, AFIMA President Benny Antiporda, Gus Abelgas at mga opisyal ng QCPD at NPC.

Ang mga opisyales ng  QCPDPC ay sina Almar Danguilan ng Hataw, President; Danny Santos ng DZAR, Vice President; Lily Reyes ng REMATE, Secretary; Nonoy Lacza ng Business Mirror, Treasurer; Boy Santos ng Philippine Star, Auditor; Jun Fabon ng Balita, PRO; at Sgt. At Arms na sina Val Leonardo ng Police Files Tonight at Mike Taboy ng Abante.

Chairman of the Board si Ricky Tulipat ng Pilipino Star Ngayon at mga Director sina Alex Ching, Remate; Joel Dela Torre, Peoples Journal; Alex Mendoza, Hataw; Jimmy Mendoza Peoples Balita; at Fenny Pineda ng Remate.

Maraming maraming salamat po sa mga dumalo sa aming induction kagabi!!!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply