Strike vs oil price hike

NAGSAGAWA kahapon ng pambansang welga ang isang samahan ng mga tsuper at operator laban sa walang patumanggang pagtataas ng presyo ng langis.

Anoman ang sasabihin ng mga onorabol dito, kahit minamaliit nila ang nasabing welga, nakatatak ito sa isipan ng mamamayan.

Tila wala na kasing pakialam ang pamahalaan sa usaping ito at hinahayaan nina PNoy na malugmok sa kahirapan si Juan dahil sa mahal na langis.

Kaya namang sa welga na lang sumasandal si Juan upang siya’y mapakinggan ng mga kinauukulan.

oOo

Tingnan ninyo, Suki.

Sunod-sunod ang mga pruweba na niloloko at pinagsasamantalahan tayo ng mga kompanya ng langis.

May mga opisyal ng bayan na nagsasabing may P6-P8 na switik ang mga kompanya ng langis at ito rin ang kuwenta ng mga welgista.

Pero nagtataingang-kawali lang ang pamahalaan, maging si PNoy na nasa matuwid na daan.

Wala ni anomang ginagawa ang mga onorabol mula kay PNoy hanggang kay Department of Energy Secretary Rene Almendras upang busisiin ang mga dahilan ng pagmamahal ng langis.

Wala sa bukabularyo ng mga ito ang pag-amyenda o pagbuwag sa Oil Deregulation Law o pagsilip man lang sa kriminal na pananagutan ng mga kompanya ng langis na namber wan na dahilan ng oil price hike. Lalong burado sa kanilang isipan ang pagsasabansa ng industriya sa langis, kabilang na ang Petron, bilang panlaban sana sa mga dayuhang kompanya ng langis.

oOo

Ngayon masisisi ba si Juan na magwelga, huh?

At ang welga ay hindi lang laban sa mga switik na kompanya ng langis kundi maging sa manhid na pamahalaan!

Bakit hindi kumikilos ang gobyerno para ma-bawasan man lang ang P100 bilyong kita nito sa EVAT sa langis taon-taon para na rin kay Juan?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply