Sugal ang prayoridad ni Gen. George Regis

HINDI krimen, kundi pag-aruga ng sugal ang tila prayoridad ng liderato ni Quezon City Police District director Chief Supt. George Regis.

Kaliwa’t kanan ang patayan, car jacking at kung ano-ano pang kriminalidad ang nangyayari sa lungsod ni Mayor Bistek Bautista.

Pero imbes na hanapin para dakpin ang mga kriminal, ang inaatupag ng QCPD ay maghanap ng intelihensya mula sa mga gambling lord.

Pasensya na sa lengguwahe, pero, General…itinatalaga kang hepe ng QCPD para pangalagaan ang katahimikan sa lungsod.

Pero sa nakikita natin, lagapak si general dahil sa kaliwa’t kanang pangyayari
ng iba’t ibang krimen sa kanyang huriskdiyon.

Kaya tuloy sumasagi sa ating isipan ang katanungang “dapat bang manatili pa si Gen. Regis bilang director  ng QCPD?”

Ang siste, sumobra naman yata kasi ang bait ni general dahil sa sobrang pananahimik, nilalapastangan na ng mga tauhan.

Kung siya ba naman, eh magtapang-tapangan nang konti, baka karipas ng pagsunod ang kanyang mga police commander.

‘Di naman lahat – pero sa totoo lang nasanay na ang mga pulis-QC sa pag-tatrabaho na may kapalit na pera o pabuya.

Kaya imbes na habulin ang mga kriminal, ang pinagtutuunan ng pansin ay sugal. Sa sugal nga naman may ‘kita’, di ba?

o0o

Siyanga pala. Noong nakaraang buwan ay ipinag-utos daw ni Gen. Regis ang imbestigasyon sa ibinulgar nating kaloko-han ng dalawa niyang pulis.

Pero hanggang bunganga lang yata si general dahil hanggang ngayon ay ‘di pa niya nadidisiplina sina Sgt. Rolly Hernandez at Sgt. Jing Acenas.

Si Hernandez at Acenas ay isinumbong sa Chokepoint na ‘di umano pumapasok sa kanilang mga duty at ang ina-atupag ay sugalan.

Ngayon eh, nabalitaan natin na sina Hernandez at Acenas ay ginagamit na ng opisina ni Gen. Regis sa paghahanap ng intelihensya.

At ang umaaktong bagman ni Gen. Regis ay isang nagngangalang Art Rivera.

Gen. Regis, sir, kung makakausap mo lang ang mga ‘hinihingan’ ng iyong mga trusted men, baka bigla kang himatayin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply