Sumikat lang sa ‘Juanita Banana’: Bianca Manalo super dedmaera na sa entertainment press

SUPER emote sa kanyang blind-item ang kapatid natin sa hanapbuhay na tinatawag naming Presscon Queen (knows mo na siya my BFFT Pete A.) sa isang beauty queen-turned actress/TV host dahil sa lantaran nitong pande-deadma sa kanya. Sumikat lang daw ito dahil sa ginampanang Fantaserye sa Kapamilya network at napasama sa isang noontime show biglang lobo na raw ng head nito.

Well, very obvious na si Bianca Manalo ang nasa BI na ito ni presscon queen at kung true ito, aba’y dapat maaga pa lang ay magising na siya sa kanyang maling attitude na mang-isnab ng press o kahit kanino pang tao for that matter.

Hindi porke’t nagbida ka na eh sa iyo na ang mundo girl. At lagi mong tatandaan, kaming nasa entertainment media ay mas nagtatagal kami kaysa sa inyo. kaya, kung ako sa iyo, Juanita Banana ay baguhin mo ang bad attitude mong ‘yan nang magtagal ang career mo sa industriyang ito kung saan ka kumikita ng limpak-limpak na salapi Neng! Tinuod (totoo) gyud!

****

RR Enriquez sobrang na-challenge sa ‘I Dare You!’

HALOS napapaiyak na ang sexy comedienne actress na si RR Enriquez sa iba’t ibang challenges na ipinagawa sa kanila ng mga kapwa celebrity sina Ethel Booba, Keanna Reeves, Jon Avila at Guji Lorenzana sa Reality show ng Dos na I Dare You, na hino-host nila Jericho Rosales, Iya Villania at Melai Cantiveros.

Nandiyang pinag-araro sila sa bukid kasama ang mga kalabaw, pakunin ng itlog sa putikan at kanal para may maibigay na mga itik sa pamilyang napili ng I Dare You na tulungan.

May episode din na pinahuli sina RR ng palaka at daga at pinahawak at pinakuha ng dumi nang kalabaw para magamit na fertilizer sa mga tanim sa bukid ng nasabing benefeciary pamilya na napili ng programa this week.

Well, nang makausap namin si RR nitong huli, sinabi nitong sa tanang buhay niya ay ngayon lang niya nagawang mag-araro sa bukid. But masaya raw siya dahil na-experience niya ito kahit na halos mawalan na siya ng malay ng gawin ang challenge na ito. Ang iniisip na lang daw ng lalong gumaganda at blooming na sexy actress ay hindi na ‘yun dusang inabot nila ng mga kasamahan habang ginagawa ang mga pagsubok o task na mga ipinagawa sa kanila kundi ‘yung makatulong sila sa mahirap na pamilyang magbubukid. Oo nga naman!

Maganda naman kasi ang buhay ni RR kaya hangad niyang mabigyan rin ng kasiyahan ang kapuwa.

By the way, tuloy pa rin ang partisipasyon ng anak-anakan naming ito sa painit at paganda nang pagandang panghapong serye na “Reputasyon” na si Cristine  Reyes ang bida at napapanod mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya gold. Kababata siya rito ni Agnes De Los Santos(Cristine) kaya madalas ay magkasama sila nito sa eksena. At bilang si Monique na babaing bakla ay nagagampanan ng buong husay ni RR ang kanyang character rito kaya marami ang bumilib sa kanya at isa na kami roon.

Napapanood rin sa “Good Vibes” si RR kung saan pinsan naman ng bidang babae ang role dito ng in-demand na uling actress sa ABS CBN. Thankful ang mga tagahanga nito dahil nabibigyan na uli ng pansin ng Star Magic ang kanilang idolo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply