Sundalo patay sa follow-up operation sa dinukot na mayor

ISANG sundalo ang napatay habang lima ang nasugatan nang tambangan ng mga rebelde ang tropa ng pamahalaan na nagsasagawa ng follow-up operation upang iligtas ang isang dinukot na alkalde ng Lingig, Surigao del Sur.

Alas-8:50 ng Sabado ng umaga, Agosto 6, nang tambangan ang mga tauhan ng 75th Infantry Battalion at ilang miyembro ng para-military forces sa Sitio Pagbacatan, Mahayahay, Lingig, Surigao Del Sur.

Pinaniniwalaang may mga nasugatan at namatay din sa mga rebelde matapos makipagpalitan ng putok ang mga sundalo.

Kinumpirma naman ng PNP na kasamang dinukot ang dalawang miyembro ng Army na nagsisilbing escorts ng alkalde. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply