Sunog sa Kyusi: lola sugatan, 100 bahay naabo

ISANG matandang babae ang nasugatan habang 300 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang masunog ang residential area sa Quezon City kaninang madaling-araw ng Miyerkules, Agosto 3.

Ayon sa report ng dzBB, isang kerosene lamp ang pinagmulan ng sunog na naiwang nakasindi sa bahay ng isang residente na naputulan ng ilaw.

Nabatid na nagsimula ang sunog bandang 2:15 am na tumupok ng may 100 kabahayan sa Escopa I village, Project 4, Quezon City.

Umabot ng ikalimang alarma ang naturang sunog na idineklarang under control bandang 4 a.m.

Samantala, nagalit naman ang ilang mga residente sa naantalang pagdating ng mga bumbero kung saan ayon sa kanila, isang oras na ang nakalilipas bago nakarating ang responde ng mga ito dagdag pa ang hindi nila pagdala ng sapat na tubig upang maapula agad ang apoy.

Itinanggi naman ng mga bumbero ang nasabing akusasyon kung saan ayon sa kanila, napakitid ng daan kung kaya nahirapan silang agad rumesponde sa naturang sunog.

Kasalukuyang inaalam naman ngayon ng mga imbestigador ang akusasyong nagmula ang sunog sa tahanan ng nagngangalang Edmund Dulay na gumamit ng lampara na pang-ilaw dahil naputulan ito ng kuryente makaraang hindi magbayad ng kanyang bill.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply