Suporta ng gobyerno hindi maikakaila

MAHIRAP ang mawalan ng mahal sa buhay, lalo pa’t ang kanilang pagkamatay ay karima-rimarim, tulad ng nangyari sa Luneta hostage incident.

Kaya, hindi natin masisi ang mga kaanak ng mga nasawing Chinese tourist na malungkot, magalit at magprotesta sa gobyerno ng Pinas.

Pero ‘di naman maikaila na kumilos at ginawa lahat ni Pangulong Noynoy Aquino at concerned government agencies ang nararapat.

Kaagad binuo ang Incident Investigation and Review Committee at nagsiyasat – na pinangunahan mismo ni DOJ Sec. Leila De Lima.

Sumunod ay ang pagsibak at pagpataw ng parusa sa mga opisyal at tauhan ng kapulisan na nasa likod ng bigong ne-gosasyon sa hostage crisis.

Naging considerate din ang ilang pribadong sektor ng ating gobyerno na sumuporta para magbayad ng danyos sa mga biktima.

Humingi na rin ng paumanhin si PNoy sa gobyerno ng Hong Kong at sa kanilang mga mamamayan dahil sa ‘di inaasahang pangyayari.

Higit sa lahat ay maluwag na tinanggap ng ating gobyerno ang ipinataw na travel advisory laban sa Pilipinas ng Hong Kong government bilang respeto sa kanilang pakiramdam bunsod ng nangyaring insidente.

Sa ipinakitang malasakit ng administrasyong Aquino sa takbo ng kaso at sa mga biktima, wala tayong nakikitang pagkukulang ang gobyerno.

Nakalulungkot din kasi na kasabay ng paggunita ng unang anibersaryo ay magaganap ang eleksyon sa HongKong at hindi maiiwasang magamit ang pangyayari laban sa kasalukuyang Chief Executive ng HongKong na si Donand Tsang upang gibain ito ng mga kalaban at isisisi sa kanyang liderato ang pangyayari.

Nagawa nang lahat ang kondisyones na hiningi ng HK government at sa pakiwari natin sapat na itong dahilan para ibigay ng sambayanang Filipino ang suporta sa gobyernong Aquino at ‘wag hayaang kaladkarin pa dahil lamang sa ambisyon ng ilang pulitiko sa Hong Kong.

Dapat ding maunawaan ng pamilya ng mga biktima na hindi nagpabaya ang Pilipinas sa kanilang mga reklamo dahil kagyat na inaksyunan ang ka-nilang mga hinaing.

Walang may gusto na mangyari ang Luneta Hostage kaya hikayat ng Chokepoint, ipagpatuloy  ang  buhay – iwanan na natin ang alaala na sanhi ng ‘di pagkakaintindihan dahil sa malagim na pangyayaring yan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply