Suportahan si PNoy vs terorismo

NAKAKABAGBAG-DAMDAMIN ang ipinakitang malasakit ni Pangulong Noynoy Aquino sa mga naulila ng pitong sundalong nasawi sa Mindanao kamakailan.

Ini-offer ng Pangulo ang kanyang tulong sa mga naiwanan ng mga sundalo, sabay kondena sa grupong Abu Sayyaf  na may kagagawan sa krimen.

Karumaldumal ang ginawang pagpatay –  matapos pagbabarilin ay pinagtataga pa ang mga sundalo, ayon sa report ng pulisya at militar.

Bilang mga taong nagmamahal sa kapayapaan at mayroong takot sa Diyos, dapat nating kondenahin ang kawalangyaan ng mga bandido na naglalagay sa alanganin sa usapang pangkapayapaan, kaunlaran sa buong bansa at iba pang positibong bagay.

Malinaw sa ating kabatiran na ginagawa ng Aquino administration ang nararapat para mabura na ang problemang terorismo sa bansang Pinas.

Ang terorismo ay isang problema na kinakaharap ng bansa na dapat magkaisang harapin ng pamahalaan at tayong mga mamamayan.

Bagaman at nangangailangan ng panahon, magiging positibo ang resulta ng kampanya laban sa terorismo kung mayroong kooperasyon ang mga tao sa programa ng pamahalaan para agarang maiharap sa hustisya ang mga terorista.

Suportahan natin si PNoy sa kanyang paglaban sa terorismo.

o0o

Iniulat ng Palasyo ang pagbuwag ni PNoy sa Presidential Task Force on Mindanao River Basin Rehabilitation and Development (PTFMRBRD).

Sa ganang atin, ang ahensiyang ito na nakabase sa Cotabato City ay ‘duplication’ lamang ang function sa ibang ahensya ng gobyerno, kaya dapat lang na buwagin ito.

Pinupuri natin ang Pangulo sa aksiyon niyang yan dahil, sa totoo lang, gumugugol ng salapi ng bayan ang ahensyang ito na wala namang patutunguhan.

Nilikha ang PTFMRBRD noong 2008 para gumawa ng master plan sa pang-matagalang solusyon kaugnay sa matinding pagbaha sa Mindanao at direktang nag-uulat sa Office of the President.

Suhestiyon natin sa Pangulo, buwagin din niya ang iba pang ahensya na ‘duplication’ lang ang trabaho sa iba pang ahensya ng pamahalaan.

o0o

Ang human trafficking sa bansa ay isang problema na dapat ding harapin ng gobyerno at tayo’y natutuwa dahil klaro ang programa ng kasalukuyang administrasyon para masolusyunan ito.

Suportahan din natin si PNoy kung nais nating magamot ang problema ng human trafficking sa bansa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply