Suspek sa Cavite masaker natimbog na

HAWAK na ngayon ng pulisya ang isa sa tatlong pangunahing suspek sa pagpaslang sa tatlo katao, kabilang ang isang bata sa Silang, Cavite.

Ayon kay Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) Police Chief Gil Meneses, naaresto si Jed Anthony Guamin sa bahay ng pinsan nito sa Batasan Hills, Quezon City.

Umamin din si Guamin na naging bahagi siya ng krimen at itinuro si Butch Valenton, ang pamangkin ni Dionisio Valenton na may-ari ng bahay bilang utak sa pagpatay.

Sinabi umano ni Guamin na paghihiganti ang motibo ni Butch dahil sa matagal na nilang alitan ng kanyang tiyuhin.

Kahapon ng umaga (Miyerkules, Agosto 24) ay natagpuang patay sa loob ng bahay sina Emmanuel Joseph Valenton, pitong-taong gulang at ang yaya nitong kinilala lamang sa pangalang Joy at ang stay-in helper na si Rosky Piojo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply