Suspek sa pambobomba ng convoy ni Mangudadatu kinasuhan na

PORMAL nang sinampahan ng kaso ng Philippine National Police (PNP) ang suspek sa pagpapasabog sa convoy ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu sa Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Lunes.

Sinabi ni Provincial Director Sr. Supt. Danilo Peralta ng Sultan Kudarat Police na kinasuhan ng double murder at anim na bilang ng frustrated murder ang suspek na si JR Reyes na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ng pulisya.

Ayon kay Peralta, ang pagsasampa ng kaso ay ibinase sa testimonya ng babaing unang nagmay-ari ng Kia Avila na ginamit sa car bombing.

Nabatid na ang target ng pagpapasabog ay si Mangudadatu ngunit nakalabas na ang sasakyan nito nang sumabog ang Kia at ang kotseng sinasakyan ng namatay na si Datu Russman Sinsuat Sr. provincial board member.

Nadamay din at namatay ang tricycle driver na dumadaan lang sa lugar ng maganap ang pagsabog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply