Suspension ni Gov. Sato hiniling

MAY mga nalungkot at natuwa sa pagkakatalaga kay retired Supreme Court Justice Conchita Carpio – Morales bilang Ombudsman.

Siguradong ang mga nakaramdam ng kalungkutan ay yaong mga taong may nakabinbing kaso sa Office of the Ombudsman.

At tiyak, iilan ang mga nalulungkot na ito, kumpara sa natutuwa sa pagkakapili ni Pangulong Noynoy Aquino lll kay Morales.

‘Di lingid sa kaalaman ng madla na si Morales ay may integridad at nagsilbi nang maayos bilang miyembro ng Korte Suprema.

Ang katangiang ‘yan ang naging panuntunan ni PNoy para italaga sa puwesto kapalit ng nagbitiw na si Merceditas Gutierrez.

Ngayong si Morales na ang Ombudsman, marami ang naniniwala na uusad ang mga nakabinbing kaso at ang mga nagkasala’y maparurusahan.

Isa sa mga natutuwa sa pagkakatalaga kay Morales ay ang mga kamag-anakan ni Romulo de Jesus, public school teacher sa Occidental Mindoro.

Noong Enero, nagsampa ng kaso ang kamag-anak ni De Jesus laban kay Gov. Josephine Y. Ramirez at jail warden Rodolfo Tiuzen.

Inakusahan sina Sato at Tiuzen na nagbibigay umano ng ‘special treatment’ sa mga high-risk prisoner na sina Randolf Ignacio at Peter Alfaro.

Sina Ignacio at Alfaro ay nakakulong sa OM provincial jail mula pa noong Pebrero 19, 2009 sa kasong serious illegal detention.

Nag-ugat ang kanilang pagkakakulong matapos umanong idetine si De Jesus ng mga akusado sa paratang na nandaya noong 2007 election.

Sinabi sa reklamo sa Ombudsman na sina Ignacio at Alfaro ay kaalyado sa pulitika at mga saradong ‘tauhan’ ng gobernador.

Katunayan, sa palabas ng XXX program ng ABS-CBN noong Hunyo 25, 2010, ipinakita ang paglabas-masok ng dalawa sa nasabing kulungan.

Dahil umano sa impluwensya ni Sato, nagawang makalabas-masok sa kanilang mga kulungan sina Ignacio at Alfaro.

Kasabay ng kasong isinampa ay hiniling ng complainant sa Ombudsman na suspendihin si Sato at si warden Tiuzen.

Ito’y, para umano ‘di maimpluwensyahan ng nasabing dalawang opisyal ang kasong isinampa sa kanila ng nasabing complainant.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply