Syndicated estafa vs Globe Asiatique, Pag-Ibig officials

PINASASAMPAHAN na ng Department of Justice ng kasong syndicated estafa ang mga opisyal ng Globe Asiatique at isang empleyado ng Pag-Ibig Fund.

Partikular na pinakakasuhan ng DOJ sina Delfin Lee, Presidente at Chief Operating Officer ng Globe Asiatique; Christina Sagun, dating pinuno ng Documentation Dept ng GA; Cristina Salagan, hepe ng Acctg. at Finance Dept ng GA; Dexter Lee, anak ni Delfin Lee at Exec. VP ng GA at Atty. Alex Alvarez, manager ng Foreclosure Dept ng Pag-Ibig Fund.
Batay ito sa Review Resolution ng DOJ Task Force on Securities and Business Scam na aprubado ni PG Claro Arellano.
Nagsabwatan umano ang mga nasabing respondent para magdulot ng pinsala sa Home Devt Fund o PAGIBIG fund sa halagang P6.65 bilyong piso.

Ito’y sa pamamagitan  ng pag-solicit at pagbabayad sa  special buyers at paglikha ng mga ghost borrower.
Ang mga special buyer ay mga indibidwal na di naman talaga miyembro ng Pag-Ibig pero binayaran ng GA para mag-aplay at maging miyembro para magamit ang kanilang pangalan sa pagkuha ng housing loan para sa GA housing project.
Ang mga special buyer ay maaari rin umanong mga ghost o fictitious na mga tao.

Sa loob umano ng dalawang taon, mahigit P7B ang nai-release na pondo ng Pag-Ibig para sa GA na kumakatawan sa halos 10,000 account, pero natuklasan  sa validation ng Pag-Ibig na ilan sa mga buyer o borrower ang walang nalalaman na kumuha sila ng loan sa Pag-Ibig Fund.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply