Taal Lake balik-operasyon na matapos ang fishkill

NAGLABAS na ng kautusan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Agriculture para sa pagpapatuloy ng operasyon ng mga palaisdaan na nasa Lawa ng Taal na ipinagbawal kamakailan dahil sa fishkill.

Dahil dito, sa susunod na buwan ay itinakda na ng BFAR ang pagsasaboy ng binhi sa Taal Lake, matapos ang ilang buwang pagkakasuspinde ng operasyon dahil sa naganap na fishkill.

Sinabi ni BFAR Director Asis Perez, sa ika-9 ng Setyembre ay pangangasiwaan aniya ni Agriculture Secretary Proseso Alcala at lokal na pamahalaan na nakakasakop sa lawa ang pagsasaboy ng may 1,000,000 fingerling ng bangus at 500,000 tilapia.

Ayon kay Perez, tinatayang isang 1,000 mangingisda ang makikinabang sa mga ibibigay na bangus na may sukat na tatlong puldaga at kaya ng mabuhay sa mga palaisdaan.

Habang isasaboy naman sa labas ng mga palaisdaan ang mga maliit na maliputo na endemic o sa Taal Lake lamang matatagpuan. Aniya, patunay lamang ito na stable na ang oxygen sa naturang lawa.

Dagdag pa niya, upang hindi maulit ang pagbagsak ng oxygen sa tubig, mahigpit ang kanilang gagawing pagbabantay laban sa mga nagbabantang magtayo ng iligal na fish cage.

Sa ngayon nasa 6,000 lamang na fish cage ang pinayagan ng BFAR na mag-operate sa nasabing lawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply