Tabatsoy sa schools babawasan

NAIS ng isang senador na mabawasan ang paglobo ng bilang ng matataba sa paaralan partikular sa pre-school, elementarya at sekondarya sa pampubliko at pribadong paaralan kaya isinusulong ngayon ang Anti-Obesity Education Program.

Ayon kay Sen.  Manny Villar, kailangan magkaroon ng ganitong programang dahil tumataas ang peligro ng isang adult obese person na magkaroon ng dalawang uri ng diabetes, high blood pressure, high cholesterol at triglycerides, coronary artery disease (CAD), stroke, sleep apnea at iba pang uri ng sakit.

Sinabi ni Villar na dumarami na rin ang mga batang tabatsoy dahil sa nababawasan ang kanilang oras sa pag-eeherhisyo bunga ng pagbababad sa computer, PSP, DS, Ipad at iba pang uri ng video games bukod pa sa panonood sa telebisyon.

Sa Senate Bill No. 2913 ni Villar, nais ng senador na magkaroon ng anti-obesity education program and exercise, kabilang na ang paglalaro ng traditional Filipino games tulad  ng patintero, tumbang preso, sipa, luksong tinik at iba pa.

Ang mga tradisyunal na larong ito ay mistulang nabubura na sa makabagong panahon ngayon dahil karamihan sa mga bata ay nawiwili sa paglalaro sa mga makabagong teknolohiya.

Sa datos na nakuha ng senador, aabot sa 2.3 bilyon ang magiging overweight adult sa buong mundo pagsapit ng 2015 kung saan 700 milyon dito ay obese. Noong 2003, iniulat ng Philippine National Nutritional Health Evaluation and Survey na may 19.6 % overweight at 4.9 % obese na Filipino. Sa bilang na ito mas marami ang obese na babae kaysa sa lalake.

Ang overweight ay yaong taong lumampas sa tamang timbang sa kanyang edad habang ang obese ay yaong lagpas sa 30 kg/m2 ang kanilang Body Mass Index (BMI) tulad ng mga makikita sa mga contestant ng Biggest Loser Pinoy Edition.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply