Tacloban City employee huli sa shabu

ISANG empleyado ng Tacloban City Agriculture’s office ang nahulihan na may dalang shabu sa isang check point.

Nakilala ang suspek na si Roy Olino, 40, ng Brgy. 74 Nula-tula, Tacloban City.

Ayon kay SPO2 Erwin Manalo, nahulog sa may wallet mismo ni Olino ang isang sachet ng shabu nang huminto ito sa kanilang checkpoint.

Kaagad inaresto ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Olino at dinala sa kanilang piitan.

Naisampa na ang kasong illegal possession of drugs ang suspek at may rekomendadong piyansang P200,000.00.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply