Tadong si Jeff Tamayo at etits ni Mideo Cruz

KAWAWA naman ang mga bayani natin sa sports at maging ang Lord na si Kristo.

Binababoy ng mga tarantadong sportsman kuno at ma-L na creative artist.

Kung hahayaan nating gawin ng mga ito ang kanilang gusto, ano na lang kaya ang mangyayari sa mahal kong Pinas?
May matuwid na daan pa kayang malalakaran ang mamamayan?

AMPAW NA SI JEFF TAMAYO

Itong si Jeff Tamayo ay direktor ng Philippine Olympic Committee.

Ang inaasahan sa tarantadong ito ay magiging bukas sa galing ng mga kababayan natin sa anomang larangan.

Kasi, mga Bro. direktor si Tamayo ng isa sa mga makapangyarihang sports body ng pamahalaan. Spokesman pa siya na dapat ubod ng ingat sa pagbibitiw ng mga salita.

Pero sa halip na magbukas ng mata ito para kumilala sa magagaling nating mga manlalaro at hanapan ang mga ito ng puwang sa lipunan at sports, ang ginawa nito ay ang mangtarantado.

Akalain ba nating tawagin niyang damatan na ang mga kampiyon natin sa boat racing, ang Philippine Dragon Boat Team. Hindi nagkasya sa pangungutya, tinawag pa niyang ampaw ang ating Dragon team na kung ilang beses nang nanalo sa international competition at nitong huli ay nakalimang ginto at dalawang silver pa.

Pangulong Noy, tutal ampaw naman yang si Tamayo at matanda na, eh, bakit hindi mo sipain yan? Mas masahol pa sa pamumulitika ang ginagawa ng tadong yan.

ETITS NI MIDEO CRUZ

Itinuturing ni Mideo Cruz na magaling siyang artist. Pero sa ginawa niya kina  Kristo at Maria, nakatagpo siya ng katapat.

Minsan, pinanood ko ang isang interview sa kanya. Isa sa mga narinig ko sa kanya ang phallic symbol o etits na itinanim niya sungay sa ulo ni Kristo. Maganda ang paliwanag niya na matanda nang work of art ang etits at simbolo ito ng kapangyarihan.

Pero ano ba talaga ang mensahe ni Cruz?

Kung ako si Cruz, hindi ko gagaguhin si Kristo na nambaligtad ng mga paninda ng mga magnanakaw sa templo at nagsabing “Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang mga trono, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan…Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at pinalayas niyang wala ni anoman ang mayayaman.”

Wala sa kalingkingan ni Kristo itong si Cruz at panggagago lang sa dakilang Tao ang alam nito.

Eh, paano kaya kung hulihin itong si Cruz, gawing etits ang ilong nito, isubo sa kanya ang condom saka i-exhibit sa Plaza Miranda?

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa prog-ramang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply