Tagging scheme ipatutupad na bukas

IPATUTUPAD na bukas, Lunes, Agosto 22 ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang tagging scheme sa public utility vehicles (PUV) sa Kamaynilaan.

Ayon sa MMDA huhulihin na ang mga bus driver na walang proper tags sa kanilang mga bus at ngayon araw ang implementasyon nito.

Sinabi ng MMDA ang first time violators ay papatawan ng multang P500 habang sa ikalawang paglabag ay mahaharap sa kanselasyon at suspension ng kanilang Land Transportation Franchising and Regulatory  franchises.

Nabatid pa sa MMDA na ang pagpapatupad ng tagging scheme ay upang maiwasan ang paglaganap ng mga kolurum na pampasaherong bus sa kahabaan ng EDSA na kadalasan nagiging dahilan ng pagsisikip ng trapiko.

Bahagi ng ipatutupad na tagging scheme ay ang pagpipinta ng mga plaka ng pampasaherong bus sa harapan, tagiliran at bubungan ng sasakyan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply