Tagilid na mundo, magulong Pinas

MILYON-MILYON ang kinakabahan sa nagaganap sa Estados Unidos o Amerika for short.

Hindi lang sa Amerika may kaba kundi sa mahal kong Pinas at buong Asya.

BAON SA UTANG

Paano kang hindi kakabahan kung ang inaasahan mo na matatag na bansa na kasosyo mo sa negosyo, eh, bigla na lang matagpuan na mabuway pala? Baon pala sa utang ang Amerika at sa tingin ng iba, eh, baka kasunod na ang pagkabangkrap nito.

Hindi makapagbayad ng utang.

Ang unang kakabahan, siyempre, ay yung mga may pautang dito.

Kung hindi makapagbayad ng utang ang Amerika, ano ang mangyayari?

Baka mabangkrap din ang nagpautang sa kanya.

BANGKRAP

Ang mga kasosyo naman ng Amerika ay kinakabahan din.

Karaniwang pinakamalaki ang inilalagak na puhunan ang Amerikano sa mga negosyo.

Eh kung tumagilid si  Amerikano dahil sa pagkabangkrap o sa kawalan ng magpapautang sa kanya, ano ang mangyayari?

Tatagilid din ang buong negosyo at kung mababangkrap ito, iiyak na lang ang mga kasosyo niya.

Ngayon, number 1 na trading partner o kanegosyo  ng Pinas ang Amerika.

Kung tatagilid, at tumatagilid na nga ang Amerika, saang kangkungan pupulutin ang puhunang isinosyo ng Pilipinas dito?

Iiyak na lang ba tayo?

MAGULONG PINAS

Habang may nagaganap na krisis sa Amerika, may krisis din sa ating bansa.

Yun bang === wala nang ginawa ang mga anak ng pitong putakte na pulitiko kundi mag-away-away dahil sa agawan nila sa kaban ng bayan.

Sabi nga ni Sen. Miriam Santiago, wala nang ginawa ang mga lider ng bansa kundi mag-away-away sa korapsyon o nakaw na yaman.

KRISIS HARAPIN

Ano kaya ang gagawin para mabigyan ng mga corrupt ng sapat na atensyon ang krisis na nagsimula nang magkaroon ng masamang epekto sa Pinas?

Yun bang === nagsimula nang wala o kakaunti ang remittance ng 3-5 milyong overseas Filipino worker na nasa Amerika.

Kalahati na rin ng ekonomiya natin na binubuo ng produksyon ng mga exporter at remittance ng OFW ang tumatagilid dahil sa krisis sa Amerika.

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply