Takbo vs paninigarilyo inilunsad

INILUNSAD ng mga pinuno ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Quezon, Nueva Vizcaya kaninang umaga, Agosto 16, ang isang Fun Run para sa kampanya kontra paninigarilyo.
.
Ang Fun Run na na pinangunahan ni Mayor Aurelio Saluna ay nagsimula sa Barangay Baresbes at nagtapos sa mismong munisipyo ay nilahukan din ng mga barangay officials ng nasabing bayan.

Ayon kay Salunat, ang kanilang pagtakbo ay senyal ng kanilang taos-pusong suporta sa pagpapanatili sa malusog na pangangatawan.

Dagdag nito na ang nasabing Fun Run ay isang pagpapakita ng kanilang pagsuporta sa kasalukuyang ordinansa kontra sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar na ipinatutupad ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Vizcaya.

Sa katunayan aniya ay sinundan din nila ang nasabing ordinansa at sa ngayon ay ipapalaganap na nila ang pagpapatupad nito sa iba’t-ibang barangay na kanilang nasasakupan.

Ayon pa kay Salunat, napakalaking tulong ang pagpapatupad nila ng nasabing ordinansa dahil mapananatili nilang malinis ang hangin sa kanilang kapaligiran na makakapagtrabaho ng maayos at walang istorbong amoy ang malalanghap ng mga kawani ng local na gobyerno ng nasabing bayan.

Umaasa rin si Salunat na makikitulong at susuporta ang mga mamamayan ng Quezon upang maayos nilang maipatupad ang nasabing ordinansa na nangangailangan din ng kanilang pagmamatayag sa mga maaaring lumabag dito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply