Taklesa si Connie Sison

MAGANDA sanang public service program ang “On Call” sa GMA News TV, nina Ivan Mayrina at Connie Sison, nasira lang ito para sa akin, nung minsan ay naging taklesa at iresponsable sa kanyang side comment itong hitad na Connie against Manila Vice Mayor Isko Moreno.

May nagpadala kasi na isang “youscooper” nila ng mobile phone video, na kung saan nakunan nito ang isang unipormadong pulis Maynila na naninigarilyo sa isang area sa labas ng Manila City Hall. In fairness run sa pulis, naroon siya sa smoking area, as in, hindi naman bawal manigarilyo sa lugar na yun. Ang pagkakamali nga lang niya ay itinapon nito ang upos ng sigarilyo sa bangketa. Lusot na sana siya sa “smoking ban,” pero hindi sa anti-littering.

Habang ipinakikita ang video, nagmahaderang mag-komento sa ere itong Connie. Something like; “Idudulog ko sana yan kay Vice Mayor Isko Moreno, kaya lang, malakas manigarilyo ‘yun.”

O, di ba, nakakalokang side-comment yun ng hitad? Unang-una, ano ang koneksiyon ni Vice Isko dun sa naninigarilyong pulis?

Hindi siya taga-MMDA at lalong hindi chief of police para disiplinahin ang pasaway na pulis.

Pangalawa, halimbawang nakita noon ni Connie na malakas nga manigarilyo si Vice, wala ba itong pagkakataon na magbago at ihinto ang paninigarilyo? FYI, Ms. Connie, isang common friend namin ni Vice Isko ang nagsabing, huminto na nga raw ito ngayon sa paninigarilyo, as in, matagal na itong nag-quit ng smoking. So, ang ibig sabihin, walang karapatan na mag-side-comment pa ng ganun ang co-host ni Ivan, since wala naman siyang alam kay Vice Isko.

Dapat pangaralan ng GMA News and Public Affairs department ang isa nilang iresponsableng newscaster like Connie Sison. Nakakasira siya ng panuntunan ng network.

***

BONGGA at super grandyoso ang set ng “El Presidente” na kung saan kinunan ang first shooting day ni Nora Aunor matapos itong magbalik-pelikula. Wedding scene yun nila ni Gov. E.R. Ejercito, na kung saan gumaganap sila bilang sina Maria Agoncillo at Emilio Aguinaldo, respectively.

Ang nakabibilib pa rito, talagang ginastusan ng Scenema Concept International ang particular na eksenang yun. Bukod sa ginanap ang shoot sa mismong simbahan na kung saan doon talaga ikinasal noon sina Aguinaldo at Agoncillo, ang Magdalena church sa Kawit, Cavite, hindi rin sila nag-atubili na gastusan ang mga costume na ginamit ng maraming extra, lalo na ng mga bida, sa pamamagitan ng award-winning production designer na si Des Bautista.

Unang araw pa lang yun ng shoot ni Ate Guy, pero marami na ang pwedeng isulat sa kanya at sa kanyang pelikula. Hayaan nyo, kapag din lang may pagkakataon kami na mapasyalan ang set ng El Presidente hindi maaring hindi namin kayo balitaan ng mga pangyayari sa set at sa mga bida ng pelikula — Nora Aunor at Jeorge E.R. Ejercito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply