Talamak na bentahan ng droga sa Pier 16

GAANO ba katotoo itong nakalap nating impormasyon na talamak daw ang bentahan ng
mga ‘droga’ riyan sa Pier 16 sa North Harbor, Tondo Manila?

Aba’y kung totoo man ang nakalap nating impormasyon, ano ang ginagawa ng kapulisan ng Manila Police Department (MPD)?

Sa impo na nakalap natin, ang tinutukoy na ‘tulak’ ng shabu sa compound ng Magsaysay Container and Logistics ay itong si Julius Peras na inaanak umano ng manager na si J.C. Olivares.

Bukod sa Magsaysay Container, hawak din ni Olivares ang National Marine Corp. (NMC).

Kaya naman hindi mapatigil ang talamak na bentahan ng droga sa nasabing kompanya ay dahil sa inaanak umano ni Olivares ang ‘tulak’ na si Peras.

Ayon pa sa impormasyon, matagal-tagal na rin daw na nagtutulak ng droga itong si Peras sa kanilang kompanya na hindi mapatigil dahil sa inaanak siya ni Olivares.

Paging National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Manila Police Department (MPD).

Tinatawagan kayo ng pansin para dakmain ninyo itong si Peras na ang balita ng mga kasamahan nito ay super ang lakas niya sa manager na si Olivares kaya hindi siya pinahuhuli!!!

PRONTA NG ILIGAL NA PASUGALAN

Balikan natin ang mga peryahan ni Jessica na pronta ng iligal na pasugalan sa Brgy. Tugatog, Meycuayan at Brgy.Tutukan, Guiguinto sa kahabaan ng McArthur Highway sa Bulacan.

Malakas ang peryahan ni Jessica dahil ultimo mga bata ay nagugumon sa nasabing sugalan.

Kaya hindi ginagalaw ng kapulisan dahil malaki ang ibinibigay na lingguhang I.N. T. (intelihensiya) nito. Mantakin ninyo, kahit di piyesta ay patuloy na nag-ooperate ang peryahan nito.

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 0918-9274764,09266719269 o magt-email sa juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply