Talamak na kotongan sa iligal na terminal

TALAMAK na ‘kotongan’ daw sa iligal na terminal ang hawak ng isang barangay kagawad sa Lawton, Intramuros, Maynila.

Wala raw ginagawa sa kanilang barangay itong si Kagawad Tong Robert  kundi ang mangotong sa mga iligal na terminal.

Lagi raw ipinagmamalaki ni Kagawad Tong Robert na hawak siya ng kanyang chairman kaya hindi siya kayang galawin ninoman sa kanilang barangay.

Bukod pa roon, ipinagmamalaki pa raw nitong si Kagawad Tong Robert na malakas siya sa mga pulis dahil pag hindi sumunod ang mga ito sa kanya ay ipinatatanggal niya sa kanilang puwesto.

Aba malakas nga ang ugok na kagawad na ito kaya kahit nakahambalang sa Lawton ang mga sasakyan ay OK lang sa kanila.

Basahin natin ang nilalaman ng reklamo tungkol sa talamak na kotongan.

Mensahe: Pakisilip naman ang iligal na terminal sa Lawton. Sobra. Kaya pala di makaporma ang iba ay dahil puro hawak sila ni Kagawad Tong Robert na bata ni Chairwoman na malakas daw sa city hall ng Maynila. Alam kaya ni Manila Mayor Fred Lim ito baka yung bata lang ni mayor ang nakaaalam. Kasi lahat ng lagay sa terminal ay napupunta sa matataas. Pati ang kapulisan sa PCP Lawton, hawak ni Kagawad Tong Robert.

Ipinagmamayabang pa ni Kagawad Tong Robert na hawak niya ang mga pulis at ang hindi sumunod ay ipinatatanggal niya.

***

Peryahan na antatsabol

Sa Brgy. Tugatog, Meycauayan at Brgy. Tuktukan, Guiguinto, Bulacan ay hindi hinuhuli ang dalawang  peryahan na may sugalan ni Jessica. Ipinamamalita ni Jessica na malakas siya kay Gov. Willie Alvarado.

Kahit nagugumon na ang mga bata sa pagsusugal sa peryahan ay hindi kumikilos ang kapulisan.

***

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog @yahoo. com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply