Talunang Kong atat na atat na makabalik sa puwesto

ATAT na atat ang isang dating kongresman na bumalik sa puwesto.

Napag-alaman ng matang kuwago ng Remate na kapartido ito ni PNoy.

Pero dahil binangga niya ang mga diyos sa pulitika sa kanyang lalawigan, siya ang nawasak.

Mananabong lang ang kanyang naging katapat.

Yung mga mananabong sa international derby lang naman. Hehehe.!

Ang problema, no va-cancy ngayon ang gobyerno ni PNoy.

Kaya nga, nagwawala ang kawawang mama.

Shotgun ang ginagamit nito para makapanlaglag ng mga nasa puwesto.

Basta may puputok na anomalya o kahit anong problema sa mga tao ni PNoy, sumasakay ito.

Tahimik itong nagsusulsol sa mediamen na tumira sa mga ito.

May problema nga lang itong si ex-kongresman.

Napakahirap daw hagilapin ito noong siya’y nakaupo pa sa pinagnakawan ng mga election return noong 2004.

Very busy lagi sa kanyang mga proyektong pork barrel.

At sa laki ng kanyang pork barrel noon, napanday na rin niya ang ilan niyang kamag-anak para maging mayor din sa kanyang distrito.

Problema, nitong nakaraang halalan, para siyang bunga ng niyog na nilaglag ng uwang.

At nabagsakan niya rin ang kanyang mga kamag-anak na ipinuwesto niya sa mga bayan-bayan.

Iisa lang daw ang nagwagi sa mga ito at lahat ay natodas sa kanilang political career.

Sariling palo ang mediamen sa kanilang pagtuklas sa mga kabulukan sa pamahalaan.

Pero heto nga’t sasakay-sakay siya para kung may malaglag sa puwesto ay pupuwedeng ipalit siya roon.

Pero sobrang ambisyoso si ex-Kong: ang gusto ay makatas na posisyon.

Pero wala siyang say sa mga nag-uumpugang mga bato sa Palasyo.

Ni hindi siya miyembro ng Balay group o Samar group.

Kaya, baka mamuti na lang ang mata nito sa katitingala sa posisyong gusto niya, till death ng political career ni PNoy do them part. Hekhekhek!

Clue: Puro illegal logging, pagpapalay, pagmamais at pangingisda ang hanapbuhay sa kanyang distrito at lalawigan. Kaya patay siyang bata siya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply