Tamaraws pinulutan ang Bulldogs

DALAWANG overtime period ang apat na quarters ang kinailangan ng Far Eastern U Tamaraws upang kilawin ang National University Bulldogs, 84-82 sa nagaganap na 74th UAAP men’s basketball tournament sa Big Dome kahapon.

Hinabol ng Tams ang 18 puntos na kalamangan ng Bulldogs sa third canto upang maging dikitan ang labanan sa huling quarter at makapuwersa ng unang extension.

Sumagpang ng 51-33 ang Bulldogs may 4:26 sa third period subalit nakahabol ang Tamaraws papasok sa huling quarter.

Sa isang jumper ni reigning MVP RR Garcia ang naging susi ng FEU para makapuwersa ng unang OT, may 28.2 segundo sa regulation para sa 70-all pagtatapos.

Ang NU rookie na si Bobby Ray Parks naman ang nagpuwersa ng second overtime nang ipasok ang dalawang charities tungo sa 76-all, may 9.7 segundo sa unang  extension bago sumablay ang pampanalo sanang pukol ni Garcia sa buzzer.

Lumapa ng career-high 32 points si Parks subalit kinapos pa rin kaya lumagpak ang kanyang koponan sa team standings na may 4-7 win-loss slate habang 7-4 ang record ng FEU.

Samantala, halos laglag na ang asam ng University of the Philippines Fighting Maroons na makapasok sa final four matapos silang tukain ng Adamson U Falcons, 64-51.

Napagtibay ng Adamson ang kanilang solo second spot na may 8-3 panalo-talo karta habang nakabaon ang UP sa 2-9 baraha.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply