Tambakan ng basura gumuho, 5 patay

LIMA ang kumpirmadong namatay makaraang matabunan ng gumuhong tambakan ng basura sa Irisan, Baguio City.

Nabatid na kasagsagan ng malakas na hampas ng hangin at ulan ay basta na lamang gumuho ang tambakan ng basura na tumabon sa mga bahay na malapit sa lugar, ikinamatay ng limang katao.

Kinilala ang mga biktima na sina Apolinario Flores, 10; Revillar Flores, 13; at Jestoni Cael, 18.

Agad namang nagsilikas ang mga residente na malapit sa insidente.

Tinatayang aabot naman ng ilang araw pa bago malinis ng awtoridad ang lugar.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply