Tanging s’ya lang ang makapagbibigay: Peace of mind, birthday wish ni Marianita

BIRTHDAY ni Marianita Rivera sa darating na August 12 at ang tanging wish lang ng negang aktres na pangunahing bida ng “Amalas” ay “peace of mind.”

Ating basahin ang statement nito kung bakit ‘yan ang kanyang hiling sa sarili: “Hindi nabibili ang peace of mind. Wala na akong reklamo sa career ko. Walang may sakit sa family ko. Masaya ang lovelife ko dahil Dingdong is always there for me. At nakuha ko na ang material things na gusto ko,” sabi niya.

“Peace of mind na lang ang gusto ko,” wish ni Marianita.

Okey, our advice para makuha mo ang sinasabi mong katahimikan ng iyong isip Marianita, magbago ka na ‘no! Tigilan mo na ang kamalditahan mo at magkaroon ka na rin ng confidence sa sarili mo para kay Dingdong nang hindi mo na gawin uli ang mang-harass ng mga kapuwa mo actress dahil lamang sa naugnay ang pangalan ng Papa Dong mo rito.

Kapag tinanggal mo na ang lahat ng kaokrayan sa sarili mo, tiyak na at siguradong-sigurado na makukuha mo na ang gusto mong peace of mind, babaitang yabangera! Korek na korek gyud!

***

Issue at intriga sasagutin at haharapin sa nag-iisang ‘The Buzz’

TUWING Linggo sa “The Buzz,” lahat ng issue at intriga sasagutin at haharapin ng mga artistang involve.

At dahil parati silang nauuna sa pagkuha ng mga exlusive stories lalo na sa mga Kapamilya star mula noon hanggang ngayon, nanatiling number one sa national ratings ang The Buzz. Maging sa abroad, ito ang talagang tinututukan ng ating mga kababayan na may TFC connection.

At bukas, ilan sa mga issue ang lilinawin kasama na ang inaabangang one-on-one interview ng King of Talk na si Kuya Boy Abunda at ang matatapang at makatotohanang opinyon nito sa “Buzz Uncensored” kasama ang nagagandahan at talented na mga co-hosts na sina KC Concepcion, Toni Gonzaga at Ms. Charlene Gonzales.

May live guests rin mamaya ang casts ng latest movie ng Star Cinema na “Way Back Home” na kinabibilangan nina Kathryn Bernardo at Julia Montes, etc.

At siyempre pa, ang kukumpleto sa buong episode ng The Buzz ang mga exciting segment nila KC na KC Exclusives, Charlene sa Straight from The Heart at ang TGIS (Toni Gonzaga Intriga Statements) ni Ms. Gonzaga.

Every Sunday ay punung-punong rin ang studio ng The Buzz ng mga tagahanga nila Kuya Boy, KC, Toni at Charlene. After the show picture taking to the max ang fans sa kanila at parati silang nagpapaunlak sa mga ito.

Present din lagi ang mga business unit head ng nasabing world-class showbiz talk show kasama ang executive producer na si Ms. Nancy Yabut and of course, ang beloved angel namin ni BFFT Pete A. na si Roxy Liquigan and Sir Mico del Rosario. Mapapanood ang The Buzz after “Good Vibes” sa ABS CBN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply