Task group sa Tacurong bombing binuo

BUMUO na ang Philippine National Police (PNP) ng Special Investigating Task Group para siyasatin ang pagpapasabog sa convoy ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu sa Tacurong City kahapon.

Sinabi ni PNP Region 12 Director Police Superintendent Benhardi Mantele, kabilang sa mga bumubuo ng task group ay ang mga tauhan mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Regional Highway Patrol Group, Regional Crime Lab sa pangunguna ni Sultan Kudarat Provincial Director Senior Superintendent Danilo Peralta.

Ilan sa mga anggulong kanilang tinitingnan ay ang isyu sa land dispute, politika at negosyo.

Kasabay nito ay bantay sarado rin ng pulisya ang mga checkpoint sa Tacurong City maging ang mga karatig na lugar gaya ng General Santos City at Koronadal City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply