Tatay nalipasan ng gutom, nanakal ng anak

HALOS malagutan ng hininga ang dalawang buwan na sanggol makaraang sakalin ng kanyang tatay na nalipasan ng gutom sa Dagupan, iniulat ng pulisya nitong Martes.

Base sa ulat, nagtamo ng pasa at gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang sanggol subalit nabuhay sa pagsaklolo ng mga kapitbahay.

Nabatid na mismong ang kapatid ng suspek ang dumulog sa himpilan ng pulisya para isuplong ang amang si Mariano Bautista, ng Barangay Balococ dahil sa ginawa nito sa anak.

Matapos madakip, ikinatwiran ni Bautista na nagawa niya ito dahil naburyong siya nang magising sa kaiiyak ng bata.

Nawala raw siya sa sarili  dahil hindi sila naghapunan kaya nang magising sa iyak ng anak ay hindi na napigilan ang sarili at sinakal ang bata.

Agad namang naaresto ng pulisya ang suspek matapos isumbong ng kapatid ang ginawa sa anak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply