Tawa-tawa posibleng gawing bakuna vs dengue

MAY posibilidad na makagawa ng bakuna laban sa sakit na dengue mula sa halamang tawa-tawa.

Ito ang kinumpirma ni Department of Health (DOH) Secretary Enrique Ona matapos ang isinawang laboratory tests ng Department of Science and Technology (DOST) sa naturang halaman.

Base sa pag-aaral ng DOST nagtataglay ng sangkap ang tawa-tawa na maaaring maging epektibong panlaban sa dengue virus.

Masusing pag-aaral lamang umano ang kailangan upang matiyak at matukoy ang sangkap na ito at tuluyang mai-convert upang maging bakuna.

Ayon pa sa kalihim, bagama’t marami na ang naniniwala na nakakagamot ang halamang tawa-tawa ay wala pa ring kumpirmasyon mula sa scientific community.

Nabatid na marami na ring ibinebenta na tawa-tawa capsule at tea subalit wala pa ring katiyakan na malaki ang tsansang nakakagamot nga ito laban sa dengue.

Pinayuhan naman ni Ona ang publiko na mas mabuti pa ring komunsulta sa doktor upang masuri at matiyak ang gamot sa karamdaman.

Matatandaang sinabi noon ng kagawaran na hindi gamot sa dengue ang halamang tawa-tawa at hindi dapat na inumin o kainin ng sinuman dahil sa kawalan ng pruwebang medikal. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply