Tax break ng Smart Com hamon kay Morales

SA kainitan ng isyu ngayon ng “Tuwid na Daan” ni PNoy  ukol sa mga korapsyon at katiwalian sa gobyerno, isang hamon ngayon sa prinsipyo at kakayahan ni Ombudsman Carpio-Morales kung paano niya dedesisyunan ang kasong ito na ngayon ay  nasa tanggapan na niya.

Huwag naman sanang maitulad sa nangyari sa nakaraang liderato ng Ombudsman na pinalusot ang mga kaso dahil ang mga inirereklamo ay kaalyado ng administrasyong Arroyo. Nakamasid ang mamamayan ng Maynila sa kahihinatnan ng kasong ito na isinampa ni Atienza laban kina Lim et al, na alam ng taumbayan na malapit kay PNoy.

Hindi nila binigyan ng konsiderasyon na mapanganib para sa lungsod ng Maynila at

sa mamamayan nito ang pagbibigay ng tax exemption sa Smart Communications.

Puwede kasing gamitin ito at gawing halimbawa ng iba pang dambuhalang communications companies tulad ng Globe Telecommunicatios, Sun, at PLDT. Puwede ring mag-alburuto ang iba pang business entities na pawang wala sa larangan ng telecommunications gayan ng SM Mall at Robinsons at humiling din ng tax exemptions gamit bilang patunay ang ipinagkaloob sa Smart.

At higit sa lahat, maaari ring iapela ng Smart ang pansariling tax exemptions sa lahat ng mga lungsod at munisipalidad sa bansa gamit bilang katibayan ang aprubadong ordinansa ng Maynila.

Ano na lang ang mangyayari kung ang mga business tycoon gaya nina Henry Sy, Lucio Tan, Gocongwei at iba ay gumaya sa Smart sa pagpapalibre ng buwis? Kung buong bansa ay magkakaloob ng tax exemption sa mga dambuhalang kompanya, tiyak na maba-bangkarote ang administrasyon ni PNoy! Economic sabotage ito — isang malaking paglabag sa batas.

Sa Maynila pa lang, tinatayang P200-250 milyon daw kada taon ang ibinabayad na tax ng Smart. bukod pa yung franchise tax na P300 milyon.

Ibig sabihin sa kabuuan, mawawalan ng tinatayang P400 hanggang P450 milyon kada taon ang kaban ng Maynila! Okey lang ba ito kay Mayor Lim?

Una nang inamin ni Mayor Lim na kontra siya dito at bilang patunay ay kinasuhan niya ang mga konsehal na pumirma sa kuwestiyunableng ordinansa.

Sa katunayan, bilang mayor ay maaari niyang i-repeal o kanselahin ang implementasyon ng ordinansa upang tuloy pa rin ang Smart sa pagbabayad ng buwis.

* * *

Bilib din naman ako sa tigas ng mukha nitong mga opisyal ng Smart Communications, ubod na nga ng yaman ng kompanya nila gusto pang makalibre sa buwis.

Ano ang ibig ninyong iparating na senyales sa taumbayan? Na kaya ninyong isahan ang administrasyon ni Presidente Noynoy?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply