Teacher tangkang gahasain, kelot dakip

SWAK sa kulungan ang isang lalaki matapos tangkaing halayin ang isang teacher na hinarang ng una habang naglalakad sa Caloocan City, Lunes ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Ruel Flores, 21 ng Magdalena II, Brgy. 172 ng lungsod.

Sa reklamo ni Michelle Ann Bautista, 25, ng Hillcrest Village,  alas-10:30 ng gabi, naglalakad siya sa Sampaguita St., nang matapat sa madilim na bahagi ay hinarang ng suspek.

Tinakpan ng suspek ang bibig ng dalaga bago hinatak sa madamong bahagi ng lugar upang halayin.

Nagawang makasigaw ng biktima na narinig ng ilang mga nakatambay dahilan upang saklolohan ang dalaga at madakip ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply