Tensiyon sumiklab sa demolisyon sa QC

SUMIKLAB muli ang tensiyon sa pagitan ng demolition team at pinaaalis na mga residente sa squatter’s area ng Old Balara, Quezon City makaraang muling isilbi ang court order ng sheriff ng Quezon City Regional Trial Court Branch 222 kaninang umaga (Miyerkules, Agosto 31).

Base sa court order na isinilbi ng sheriff, nakatakdang idemolis ang mga bahay ng may 1,000 pamilya na nakatayo sa pribadong lupain na pag–aari ng Madrigal.

Ayon sa ulat ni SPO1 Alden Lasam, desk officer ng Quezon City Police District station 6 Batasan, nagkaroon ng girian at batuhan sa pagitan ng demolition team at mga pinaaalis na residente sa nasabing lugar kaninang umaga.

Napigilan naman ng anti-riot police kaagapay ang Special Weapons and Tactics (SWAT) at bomb squad units, ang magkabilang panig.

Ngunit dakong hapon ay muling nagkainitan ang demolition team at ang mga residente na ikinasugat ng dalawa katao.

Dahil dito, binitbit ng awtoridad ang mga mararahas na residente at dinala sa Batasan Police Station para maimbestigahan.

Kaugnay nito, dahil sa nasabing kaguluhan sa Old Balara, ang kabilang lane ay hindi madaanan ng mga sasakyan dahil sa itinayong barikada ng mga residente. Ang mga commuter ay dumaan sa nabuong dalawang lane sa bahagi ng eastbound patungong Fairview sa kahabaan ng Commonwealth.

Samantala, bunga ng naturang insidente inatasan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Department of the Interior and Local Government para siyasatin kung pribado o pampubliko ang lupain sa Old Balara Q.C.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply