Texters puwedeng masilat ng Boosters

ISANG panalo pa at maisusukbit na ng Petron Blaze ang korona ng PBA Governor’s Cup kasunod ng muling paggulat nila sa grand slam-seeking Talk N’ Text sa score na 93-80.

Nakakalas sa 2-2 tie ang Boosters para bigyan ng tsansa na tuluyang makuha ang 7-game series sa Game 6 Biyernes ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum.

Nagrehistro sina Boosters import Anthony Grundy, comebacking Danny Ildefonso at conference Most Valuable Player Arwind Santos ng double-double; 26 points 11 boards, 13 points 10 boards at 20 markers plus 14 rebounds, ayon sa pagkakasunud-sunod kontra sa anemic performance nina import Scottie Reynolds, Larry Fonacier at PBA season Most Valuable Player na si Jimmy Alapag na pumuntos lang ng 5, 9, at 8 puntos sa 48-minutong laro.

Hindi nakatikim ng kalamangan ang tropa ni coach Reyes na nasabayan sa running game ng bataan ni head mentor Renato “Ato” Agustin. Pababagsakin ng dating San Miguel Beermen ang lobo sa bubungan ng coliseum sa banggaan nila sa game 6 na kabalintuna ng mga unang laro ay tumatayong liyamado sa labanan na pipilitin naman ng Tropang Texters na makuha ang panalo para sa maisaayos ang winner-take-all game 7.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply